“Ang Tunog”

Tok…tok…tok…tok…

“Ate?… ano ba ‘yong tunog na’yon?” sabay kalabit sa’kin ng kapatid ko na aking katabi sa higaan

Ilang buwan na rin pamula nung naiwan kami ni Mikasa, sapagkat may inaasikaso ang aming magulang sa probinsiya.

“Wag mo nang pansinin yun! nako kung anu-ano nanaman yang napapansin mo, mauna ka ng kumain Mikasa at tatapusin kopa tong Flashfiction ko sa 21st  Century namin”

Tulak-tulak ko sya palabas ng pinto noong mapansin ko na medyo lumakas yung tunog na nanggagaling sa kwarto ng kapatid ko

Sa totoo lang napapansin ko rin yung tunog na sinasabi ni Mikasa,ilang araw na pero bigyang pansin ni laliman ng pag-iisip.

 Dahil tinatakot ko lang ang sarili ko kapag ganun, baka matakot din si Mikasa, kailangan kong maging matatag para sa kanya.

Kakamot-kamot na pumunta sa kusina ang kapatid ko, samantalang, naisipan ko namang tingnan kung ano iyong bagay na lumilikha nung tunog.

Tunog na parang inuumpog na bagay sa pader ng kwarto naming dalawa, tunog na nagpapagising sa’kin tuwing alas-tres ng madaling araw.

Madilim, at tila amoy patay na daga ang amoy na bumungad sa’kin ng buksan ko ang kwarto ni Mikasa

Pundido ang ilaw sapagkat anumang bukas ko’y hindi na umilaw pa’t kumurap

Marahil ay dahil doon kaya madalas siyang nasa kwarto ko na halos magi-isang linggo na

Muntik na’kong matapilok sa upuan na nakaharang, ngunit tumuloy pa rin ako upang hawiin ang kurtina, na siyang nagpa-silay sa ilaw ng buwan.

Kakaibang lamig na lumilibot ang  nanunuot sa aking balat, nakapagtataka, nakakabahala.

Tok.tok.tok… ang tunog na kusang nagpa-lingon sa ulo ko, na sana’y di ko na ginawa pa

Nagulat ako sa nakita ko’t halos mang-hilakbot sa kung anong nasa harap ko

“Ate… ate… ate… sa wakas… patawad… ate…”

Ang tinig ay nagmumula sa pinto, hindi… hindi…

nanlalaki ang mga mata kong palipat-lipat ang tingin sa batang nakabitin mula sa ceiling fan.

Advertisements

Published by

nakasa_lamin

Afraid of words with deeds, but not with thoughts from the whisper of the wind.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s